CALAMBA COVID-FREE PA RIN

NEGATIBO pa rin sa COVID-19 ang Calamba City, Laguna, ayon sa ulat kahapon ng Public Order and Safety Office (POSO) at Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO).

Ani LDRRMO chief Jeffrey Rodriguez, ito ay dahil sa maagang pagpapatupad ng mandatory screening sa mga establisimyento sa siyudad sa utos ni Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco.

Ito ay bagama’t may naitala sa lalawigan na 27 Persons Under Investigation (PUI) at 133 Persons Under Monitoring (PUM) ngunit wala pa umanong kumpirmadong mayroon nito.

Samantala, kinansela na ang taunang Anilag Festival sa lalawigan gayundin ang mga graduation rites. CYRILL QUILO

370

Related posts

Leave a Comment