LIBRENG SINE SUSPENDIDO RIN

SUSPENDIDO ang libreng panonood ng sine sa Makati City para sa mga senior citizen simula ngayong araw.

Ito ay bilang pagtalima ng Makati LGU sa panghihikayat ng Department of the Interior and Local Government na “social distancing”.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang pagsuspinde ng pribilehiyo ng mga senior citizen sa libreng panonood ng sine sa lungsod ay isang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pero mabilis namang nangako ang alkalde na agad itong ibabalik sa sandaling mawala na ang banta ng panganib ng COVID-19.

Nilinaw ni Binay na sakop ng kautusan ang mga sinehan sa Century Mall, Circuit Makati, Glorietta, Greenbelt, Powerplant Mall at Waltermart Mall. DAVE MEDINA

317

Related posts

Leave a Comment