HINDI obligado ang mga gurong mag-report pa sa kani-kanilang mga paaralan habang umiiral ang class suspension dahil sa COVID 19.
Sinabi ni DEPED Undersecretary Alain Pascua na ginagawa na ngayon ng DEPED ang memorandum tungkol dito habang isasama rin sa ilalabas na memo na hindi kailangang pabalikin ang mga guro para mag-disinfect sa paaralan.
Maaari ani Pascua na mag-work from home ang mga teacher pero kung hindi kakayanin na gawin ang isang trabaho online, dito na sila kailangang pumunta ng eskuwelahan.
Maaari rin ani Pascua na maobliga ang isang guro na mag-report sa paaralan kung may order na manggagaling sa kanilang Division Supt.
Isang buwan pang palalawigin ang suspensyon ng klase ng mga mag-aaral sa NCR. CHRISTIAN DALE
1606 