GOV. REMULLA INOOBSERBAHAN SA COVID-19

INIHAYAG ni Cavite Governor Jonvic remulla na kabilang siya sa Persons Under Monitoring (PUM) sa COVID-19 matapos makasalamuha sa isang pagpupulong ang isang hinihinalang infected.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ng gobernador na sumailalim na siya sa swab test at inaasahang lalabas ang resuta nito matapos ang limang araw.

Kaugnay ito, umabot na sa lima ang nagpositibo sa coronavirus sa lalawigan ng Cavite kabilang ang isang 48-anyos na lalaki mula sa Bacoor na kasalukuyang ginagamot sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Sinabi rin ng alkalde na tumaas pa ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing lalawigan at ang mga huling naitala ay isang seaman, medical practitioner, 25-anyos na babae sa Dasmariñas City na naka-confine sa Taguig, 64-anyos na taga-Imus na naka-confine sa Pasig at ang pinakahuli ay ang 48 -anyos na lalaki sa Bacoor City. SIGFRED ADSUARA

185

Related posts

Leave a Comment