UMAPELA si Senador Francis Tolentino sa Department of Interior and Local Government (DILG) na payagan ang pagbiyahe ng mga tricycle malapit sa mga palengke.
Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na delivery ng mga pangunahing produkto at hindi mahirapan ang mga namimili ng pagkain.
Sinabi ni Tolentino na direkta na rin siyang nakipag-ugnayan kay DILG Secretary Eduardo Año para sa kanyang kahilingan na payagan ang kahit sampung tricycle sa bawat public market upang mag-deliver ng mga produkto at maghatid sa mga pasahero. DANG SAMSON-GARCIA
