GAMIT NG FRONTLINE WORKERS UNAHIN

SUPORTADO rin ng minorya sa Senado ang deklarasyon ng Malakanyang na isailalim ang buong bansa sa state of calamity.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, sa pamamagitan ng deklarasyon, maaari nang gamitin ang P16 bilyon na calamity fund ng national government gayundin ng mga lokal na pamahalaan.

Bukod dito, maaari ring gamitin ang P13 bilyon na contingency fund.

Gayunman, iginiit ni Pangilinan na dapat lamang na maging maliwanag at transparent ang gobyerno sa paggamit ng nasabing pondo.

Iginiit din nito na dapat unahing pondohan ang suporta sa frontline health workers upang mabigyan ng sapat na testing kits at protective gears.

Kailangan din aniya ng suporta sa government hospitals para makakuha ng sapat na equipment tulad ng ventilators at upang makapagtatag ng isolation wards sa mga pasyente.

“Unahin din ang katiyakan ng food supply sa ating mga tindahan at relief goods at cash assistance lalo na sa mga pinakamahihirap nating daily wage earners na walang trabaho at gutom ang hinaharap ngayon,” saad pa ni Pangilinan. DANG SAMSON-GARCIA

138

Related posts

Leave a Comment