PHOTO LANE APPLICATION UMARANGKADA

SINIMULAN na ng Department of Agriculture (DA) Central Office sa Quezon City ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa Foodlane Accreditation ng mga food producer, manufacturers, traders at importers.

Layunin ng hakbang na ito na panatilihin ang walang patid na paghahatid ng pagkain at iba pang produktong pang-agrikultura sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kabilang sa unang nag-fill up ng application form ay si Nemia Faraon na nagbiyahe ng table eggs mula Antipolo patungo sa Quezon City.

Si Nemia at ang asawang si Santos, may-ari ng Sabrosa Foods Inc. at importers din ng gatas, ay nagdedeliber sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila.

Ang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ng DA ay nananatiling full force sa buong buwan na umiiral ang quarantine upang mapangasiwaan ang proseso at tiyakin ang regular na pagmo-monitor sa suplay ng stocks sa iba’t ibang lugar.

Kaugnay ng implementasyon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, ang DA ay nag-isyu na ng food lane pass o sticker sa mga sumusunod na bureau at ahensiya ng DA: Bureau of Plant Industry (BPI) – vegetable and rootcrops; Bureau of Animal Industry- live animals (BAI); Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – fish and other aquaculture products (BFAR) at National Meat and Inspection Service (NMIS) para naman sa frozen products. JOEL O. AMONGO

124

Related posts

Leave a Comment