HIWALAY NA LANE SA CARGO AT DELIVERY TRUCKS PINAIIRAL SA CHECKPOINTS

MAS mapabibilis na ang pagpasok ng pagkain at agricultural products sa Metro Manila (MM).

Kasunod ng pinaigting na seguridad kaakibat ng pinatutupad na Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19.

Sa Laging handa press briefing, sinabi ni PNP Spokesman Bgen. Bernard Banac na inatasan na ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang mga miyembro ng PNP na nagbabantay sa mga checkpoint na ihiwalay ang linya ng mga cargo at delivery truck na may kargang pagkain at iba pang agricultural products para mapabilis ang pasok nito sa NCR.

Samantala, nagkaloob na ng libreng sakay ang gobyerno maging ang ilang private companies na exempted sa enhanced community quarantine kaya’t wala nang stranded na mga empleyado at health workers sa maraming kalsada sa kalakhang Maynila. CHRISTIAN DALE

114

Related posts

Leave a Comment