DOH: HINDI LAHAT NG COVID-19 POSITIVE KAILANGANG MAOSPITAL

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na hindi lahat ng dadapuan ng COVID-19 ay maoospital o kailangang ma-confine sa ospital.

Ayon kay DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, may proseso silang ipinatutupad sa mga pasyente kung saan ang bawat isa aniyang nagpapatingin na positibo sa COVID-19 ay idinadaan sa ebalwasyon o assessment.

Ang mga dinadala aniya sa ospital ay depende sa ipinakikitang sintomas.

Sa ngayon aniya ay nagtutulong-tulong sila ng mga pribado at publikong ospital para mapangasiwaan ang pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID 19.

Habang may mga pribadong ospital na aniyang nagpaabiso sa kanila na handang tumanggap ng mga pasyenteng positibo sa virus.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Usec. vergeire na nagsasagawa sila ng inventory sa mga resources at sinisikap matugunan ang pangangailangan sa kapasidad ng mga pagamutan para sa mga tatanggaping pasyente.

Isang halimbawa ng nagpositibo sa COVID 19 subalit wala sa ospital kundi naka-self quarantine sa kanilang bahay si Senador Juan Miguel Zubiri.

Samantala, may ilang nagtatanong kung sapat ba ang pasilidad sa mga provincial hospital ngayon dahil dumagsa sa mga probinsiya ang mga taga Metro Manila na nag- uwian bago umiral ang enhanced community quarantine. CHRISTIAN DALE

269

Related posts

Leave a Comment