SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng Department of Trade and Industry (DTI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang isang tindahan ng medicalsupplies sa Maynila dahil sa reklamong hoarding at overpricing.
Nabatid na nakatanggap ng mga reklamo ang DTI hinggil sa overpricing sa ilang mabentang supplies ngayon kaugnay ng coronavirus.
Kaya’t naglatag ng plano ang DTI at CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit at gamit ang isang asset ay nadiskubre na sobrang mahal ng benta ng alcohol sa
inirereklamong tindahan.
Ang 60ml na bote ng alcohol na dapat ay P17 lamang hanggang P25 ngunit ibinebenta dito ng P80.
Kahon-kahong alcohol ang inabutan ng raiding team sa hindi pinangalanang tindahan.
Sa labas ng tindahan ay may karatula umanong nagsasaad na wala silang available alcohol.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang reklamo laban sa may-ari ng naturang medical supply store. JESSE KABEL
