MAGPAPALITAN ang local govt units at ang Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng pagkain at iba pang essential needs sa mahihirap na mamamayang Filipino.
Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni DILG Usec Jonathan Malaya na sa ngayon ang nakatoka sa pamamahagi ng pagkain sa mga indigent ay ang kanya-kanyang LGUs.
Subalit, sa susunod na linggo ay ang DSWD naman ang bahalang mamahagi ng pagkain.
Aniya pa, dapat ay ang mga LGU ang magbabahay-bahay upang maiwasang pumila ang mga residente sa mga city hall at barangay hall.
“Kapag lumabas kasi ang ating mga kababayan at pumunta sa kani-kanilang mga brgy.
hall o city hall ay hindi masusunod ang social distancing at nawawala ang primary purpose ng gobyerno na strict home quarantine para hindi na kumalat pa ang corona virus disease,” ani Usec. Malaya. CHRISTIAN DALE
205 