NAITALA ang magnitude 4.5 na lindol sa bayan ng San Felipe sa Zambales na naramdaman din sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:49 ng hapon nang maganap ang pagyanig na may lalim na 19 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng San Felipe at Castillejos sa Zambales; Intensity II sa Porac, Pampanga at sa Morong, Rizal habang Intensity I sa Quezon City at sa San Mateo, Rizal.
Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Olongapo City at Intensity I sa Guagua, Pampanga.
Hindi na inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng matinding pinsala ang lindol habang wala na ring inaasahang aftershocks. JG TUMBADO
322 