CONG. DUTERTE HUMINGI NG TAWAD SA PAG-ABUSO NG ANAK

duterte120

DAVAO CITY-NAGLABAS na ng pahayag si Davao City Ist District Cong. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay sa lumabas na blind items na may kaugnayan sa kanyang anak na si Omar Duterte.

Ayon sa kongresista, natanggap na niya ang impormasyon kaugnay sa pagpunta ng kanyang anak sa S&R Davao at hindi ito pumila upang sumailalim sa screening requirements ng establisimyento.

Hindi umano mabuti ang ginawa ng anak ng mambabatas at apo ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa at nahaharap ang bansa sa health emergency at marami ang mga gumagawa ng hakbang upang maprotektahan ang lahat ng Dabawenyo kabilang na ang mga frontliner at government responders pati volunteers.

Dahil sa nangyari, humingi ng paumanhin ang opisyal sa nagawa ni Omar.

Inimbestigahan na rin umano ng Presidential Security Group ang hindi mabuting nagawa ng security team na kasama ng anak ng opisyal. DONDON DINOY

216

Related posts

Leave a Comment