MAY tatlong kaso na ng COVID-19 positive ang naitala sa Lungsod ng Malabon.
Sa post ni Mayor Lenlen Oreta sa kanyang facebook account, kahapon, March 27, kinumpirma ng City Health Department ang pangatlong pasyente na mula sa Barangay Dampalit.
“Mag-expect tayong tataas pa ito sa mga susunod na araw. Muling pinaaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga alituntunin ng enhanced community quarantine. Maging responsable upang masigurong ligtas laban sa COVID-19” base sa kanyang post.
Ang pangalawang pasyente naman ay mula sa Barangay Acacia ngunit naka-confine ito sa isang ospital sa labas ng Malabon.
Base sa huling ulat, ang lungsod ay may 118 Persons Under Momitoring (PUMs) na sumasailalim sa 14 days quarantine habang ang Persons Under Investigation (PUIs) ay 24. FRANCIS SORIANO
464
