NADAGDAGAN ng tatlo katao ang mga positibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Pasay.
Batay sa bagong tala ng Pasay City Health Office, umakyat na sa 12 ang positibo sa coronavirus disease mula sa dating 9 confirmed cases.
Samantala, ang dating bilang ng person under investigation na 49 kaso ay umakyat na sa 50, habang ang dating person under monitoring na 97 ay pumalo na sa 115.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente ng Pasay na sakaling makaramdam ng mga sintomas katulad ng ubo, sipon at lagnat ay agad makipag-ugnayan sa Pasay City Health Office sa pamamagitan ng kanilang COVID-19 hotline sa mga numerong 09567786524, 09089937024, 0977690737, at 09616282934.
Muli namang nanawagan ang Pasay City government sa mamamayan ng lungsod na manatili sa kani-kanilang bahay upang hindi na madagdagan ang bilang ng mga positibo sa nasabing sakit. (DAVE MEDINA)
208
