POSITIBO SA COVID-19 SA VALENZUELA, 10 NA

UMAKYAT na sa 10 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City matapos na isang 41-anyos na lalaki ang magpositibo sa nasabing sakit, ayon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Si patient VC10 at may travel history sa Japan, na-confine sa ospital at gumaling na sa pneumonia.

Magsasagawa ang Valenzuela CESU ng nasopharyngeal at oropharyngeal swabs sa pamilya at kilalang close contacts ni VC10.

Ang mga naunang nagpositibo sa COVID-19 ay sina patient VC8, isang 29-anyos na babae, at patient VC9, isang 69-anyos na babae, pawang iniulat na naka-confine sa ospital.

Masusing mino-monitor ng Valenzuela CESU ang bawat kaso at nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga pasyente.

Bukod dito, nagsasagawa ang CESU ng kinakailangang mga hakbang gaya ng automated contact tracing. (FRANCIS SORIANO)

 

197

Related posts

Leave a Comment