HINDI na muna ulit isasalang sa COVID-19 test si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na magpositibo si DILG Sec. Eduardo Año.
Sa text message ni Senador Bong Go, sumagot ito ng ‘di na muna’ sa tanong kung magpapa-covid 19 test ang Chief Executive matapos nga na magpositibo ang Kalihim.
“Opo, ingat lang po” ang naging sagot naman ni Go sa tanong kung itutuloy lang ng Pangulo ang self-quarantine sa Bahay Pagbabago.
Nauna rito, mismong si Sec. Año ang nag-anunsyo sa publiko na positibo siya sa COVID-19.
“I wish to make an important announcement. Last March 26, 2020, after learning that 4 persons I had associated with tested positive for COVID-19, I started my 14-day self-quarantine. On March 27, I got tested. Today, March 31, I received the result from RITM informing me that I am positive for COVID-19,” ayon sa Kalihim.
Ginawa aniya niya ang announcement na ito para matawagan ng pansin ang lahat ng tao na nagkaroon siya ng close contact na mag- self-quarantine at obserbahan ang anomang sintomas alinsunod sa DOH guidelines.
Para sa kabatiran ng lahat, maayos naman siya at wala siyang sintomas.
Ipagpapatuloy lamang aniya niya ang kanyang quarantine at work from home.
“The result of my test will not in any way dampen my spirit and energy to do my job,” aniya pa rin.
At ang payo ni Sec. Año sa lahat ay manatili sa kanilang bahay at sundin ang social distancing.
” Your strong commitment will help defeat the virus. Thank you for your support, and God bless us all,” ayon pa rin kay Sec. Año. CHRISTIAN DALE
180 