NANIGAW NG AMA, BINARIL

NUEVA Vizcaya – sugatan ang isang 30-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang ama nang magtaas umano ng boses ang biktima, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Grinzen Umaguing habang kusa namang sumuko sa pulisya ang ama at suspek na si Lohegrin Umaguing, 57, kapwa residente ng Quirino, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon kay P/Master Sgt. Jayson Naval ng Bagabag Police Station, nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, sinita umano ng batang Umaguing ang ama hinggil sa pananakit sa kanyang anak na apo ng supek.

Nagalit umano ang matandang Umaguing sa paninita ng anak na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagtaasan ng boses ng biktima ang ama.

Bunsod nito, kumuha ng baril ang suspek at pinaputukan ang anak na tinamaan sa likod.

Mabilis na dinala ang biktima sa ospital habang sumuko ang suspek sa himpilan ng pulisya. (ANNIE PINEDA)

223

Related posts

Leave a Comment