12,000 PASAWAY ARESTADO SA CENTRAL LUZON

MAHIGIT 12,000 pasaway sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ang dinakip ng mga pulis sa Central Luzon kaugnay ng kinahaharap na coronovirus disease 2019(COVID-19) outbreak sa buong bansa.

“These individuals were arrested for violating curfew hours, drinking and smoking in prohibited places and disobedience during checkpoint operations. Of this figure, 3,300 were curfew breakers during implementation of ECQ,” ayon kay PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia.

Sinabi ng opisyal na ang pulisya ay magpapatuloy sa mas pinaigting na pagpapatupad ng direktibang pag-aresto sa mga lalabag sa ECQ guidelines.

Patuloy pa ring nananawagan si Sermonia sa publiko at hinihikayat ang mga ito na manatili sa kanilang mga tahanan kung walang mahalagang pakay sa labas ng bahay.

“We are doing all we can to protect everyone, but we also need your cooperation to protect each other to fight the coronavirus disease (COVID-19),” dagdag pa ng opisyal.

Ang ECQ ay ipinatutupad upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 na posibleng magtagal hanggang Abril 13 sa buong Luzon. (ELOISA SILVERIO)

247

Related posts

Leave a Comment