COUPLE NAMATAY SA FALLS

BATANGAS – Kapwa namatay ang mag-live-in partner makaraang mahulog sa talon sa bayan ng Talisay sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali.

Kinilala ng Talisay police ang mga biktimang sina Raymond Manimtim at Nicole Santiles.

Batay sa report ng pulisya, nangyari ang insidente sa Ambon-Ambon Falls sa Sitio Camantigue, Barangay Tumaway.

Nakaupo umano ang dalawa sa mga sandbag sa gilid ng talon nang biglang gumuho ang mga ito.

Bunsod nito, nawalan ng panimbang ang dalawa kaya magkasamang nahulog sa mga batuhan sa ibaba ng talon.

Agad nalagutan ng hininga ang mga biktima dahil sa grabeng pinsala sa isa kanilang katawan. (NILOU DEL CARMEN)

199

Related posts

Leave a Comment