TULAK ARESTADO SA P54-K SHABU

SA gitna ng ipinatutupad na lockdown, isang umano’y tulak ng ilegal na droga ang nakumpiskahan ng P154,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City Police chief, P/Col. Jessie Tamayao ang arestadong suspek na si Randy Bergonio, 24, ng #134 Sanciangco St., Brgy. Catmon, ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:35 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, ng buy-bust operation sa Dr. Lascano St. sa kanto ng P. Aquino Avenue, Brgy. Tugatog.

Nang iabot ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa isang poseur buyer kapalit ng marked money, agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang 29 sachets na naglalaman ng tinatayang 22.7 gramo ng hinihinalang shabu na P154,360 ang halaga at buy-bust money. (FRANCIS SORIANO)

392

Related posts

Leave a Comment