HIRIT SA DSWD: P200-B I-RELEASE AGAD

HINILING ng isang senador sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking huwag maantala ang pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 pampinansiyang tulong ng pamahalaan sa bawat pamilya ng 18 milyong mahihirap na mga pamilyang Filipino ngayong panahong halos sarado ang ekonomiya dulot ng “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon at ibang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Ani Senador Leila de Lima, kailangang ipakita at patunayan ng DSWD sa pamumuno ni Secretary Rolando Bautista, retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP), “the needed leadership and decisive action to ensure that the most affected of Filipinos will be able to receive aid at the soonest possible time.”

Inihayag ito ng senadora na pinuno ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development makaraang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na “solo” nang mamamahagi ang DSWD ng P200 bilyong tulong pinansiyal ng pamahalaan dahil sa nakuhang impormasyon ng pangulo na maraming ‘mandurugas’ na alkalde sa bansa Umaasa si De Lima na hindi mauulit sa pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 pera sa 18 milyong mahihirap na Filipino ang kabagalan ng kagawaran ni Bautista sa paglalabas ng pera sa 4.4 milyong Filipino na mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Isiniwalat ni De Lima sa kalatas  na: “The report, as of (March 24-27), pointed to the slow disbursement of pay-outs to 4Ps beneficiaries, where the DSWD was only able to release the cash assistance for the period of Dec. 2019 to Jan. 2020. Hinihintay pa po ng ating 4Ps beneficiaries ang ayuda nila para sa Pebrero at Marso. Abril na po ngayon.”

“Ang backlog na ito ay sa 4Ps program pa lang para sa 4.4 milyong pamilya.

How will the DSWD fulfill the requirement of distributing cash assistance and food to 18 million households, under the Bayanihan Law?” susog ng mambabatas. NELSON S. BADILLA

214

Related posts

Leave a Comment