KASO NG COVID-19 SA PINAS, HIGIT 3K NA

NAKAPAGTALA na naman ng panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos mula sa Department of Health (DOH), hanggang alas-4:00, Linggo ng hapon (April 5), mayroon nang 3,246 kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nabatid na 152 ang naiulat na panibagong kaso sa nakalipas lang na 24-oras.

May pitong pasyente naman ang gumaling kaya umabot na ang total recoveries sa 64.

Samantala, iniulat din ng DOH na walong pasyente ang panibagong nasawi bunsod ng COVID-19 sa bansa.

Bunsod nito, ang COVID 19-related deaths sa Pilipinas ay nasa 152 na. D. ANIN

177

Related posts

Leave a Comment