NAGBABALA si Senador Panfilo “Ping” Lacson na mapaparalisa ang manufacturing sector at magkakaroon ng negatibong epekto sa food supply kung palalawigin pa ang lockdown dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Lacson sa kanyang tweet na dapat ikonsidera ng gobyerno ang pagbibigay proteksyon sa supply chain ng mga produkto sa bansa kahit sa limitadong kapasidad lamang.
Iginiit nito na magiging mas malaking suliranin kung mawalan na ng laman ang mga warehouse ng pagkain.
“An extended lockdown could paralyze the manufacturing sector. Government should consider preserving the country’s supply chain of goods even with limited capacity, while still complying with health protocols. Empty warehouses can worsen the situation,” diin ni Lacson.
Gayunman, aminado si Lacson na hindi maaaring agad na i-lift ang lockdown dahil posibleng magdulot ito ng matinding problema.
“That is exactly my suggestion – “even in a limited capacity”, still complying with health protocols on physical distancing. I’m sure there is a way to satisfy both,” diin pa nito. DANG SAMSON-GARCIA
208 