MAS MAHIGPIT NA ECQ IKAKASA NG AFP

POSIBLENG magpatupad ang gobyerno ng martial law-type lockdown o extensive enhanced community quarantine dahil marami pa rin ang pasaway at bigo ang pinaiiral na ECQ para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Ito ang nabatid kasunod ng pagkalat ng nag-leak na command guidance ng Philippine Air Force sa lahat ng kanilang tauhan na maghanda sa posibleng martial law-type na lockdown implementation.

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang command guidance na ipinadala ng PAF para sa mala-martial law type role ng militar sa ilalim ng extensive enhanced community quarantine.

Ayon kay Marine Brigadier General Edgard Arevalo, AFP Spokesperson and Asst. J7, base sa kanyang pakikipag-ugnayan kay

PAF Commanding General, Ltgen Allan Paredez, ang nag-leak na radio message ay isang internal memo na inisyu para magbigay ng advanced information sa kanilang mga tauhan.

Base umano ito sa naging pahayag ni Pres. Rodrigo Roa Duterte sa isang televised address to the nation hinggil sa posibilidad na deployment ng mga sundalo kung patuloy na magiging pasaway ang mga tao sa panawagan ng gobyerno na manatili sa kani-kanilang mga bahay.

Samantala, naglabas din ng pahayag ang Hukbong Panghimpapawid hinggil sa nag-leak na memo.

Ayon kay Maj. Aris Galang, tagapagsalita ng PAF, “It is an Internal Memo for the PAF personnel po Sir.

The PAF is just anticipating of any scenarios in case the President as Commander in Chief of the AFP would decide to implement his statements lately to the public as earlier stated and prepare our troops in advance”.

Wala umanong dapat ikaalarma ang taumbayan sa natural na reaksyon ng AFP at sa halip ay katakutan ang walang habas na paglabag sa batas, hindi pagsunod sa rules and health protocols na kailangang mahigpit na ipatupad kung hindi ay magdudulot ng kamatayan ng mamamayan, ayon pa kay Arevalo. JESSE KABEL

185

Related posts

Leave a Comment