Bilang ng mga nakarekober nadagdagan din KASO NG COVID-19 6,459 NA

MULING tumaas ang bilang ng mga nakarekober na sa COVID-19 matapos makapagtala ng karagdagang 41 kaya may kabuuan na itong 613.

Nadagdagan naman ng 200 panibagong kaso kaya sa kasalukuyan ay umabot na sa 6,459 ang kabuuang bilang ng may COVID-19 sa bansa.

Nadagdagan din ang mga namatay at ngayon ay 428 na ang kabuuang bilang nito.

Samantala, inanunsyo naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na darating na ang mga test kit mula sa United States na kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng 45 minuto hanggang 1 oras.

Sa kabilang dako, magandang balita naman ang hatid ng Malakanyang hinggil sa pagbaba ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa loob ng nakalipas na tatlong araw.

Ito’y matapos manawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatulong nang malaki ang apela ng Chief Executive sa mamamayan na huwag lumabas ng bahay para hindi mahawa at makahawa sa COVID-19.

“Are we flattening the curve? Mula noong Huwebes, kung saan nakiusap ang ating Presidente na maging homeliners at manatili sa ating tahanan, bumaba ang mga kaso ng mga bagong nagkakasakit sa COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Roque. D. ANIN, CHRISTIAN DALE

181

Related posts

Leave a Comment