SINABI ng Malakanyang na ibabase ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa siyensiya (science) ang kanyang magiging desisyon sa enhanced community quarantine sa Luzon na magtatapos sa Abril 30.
Batid ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami ang nag-aabang sa magiging susunod na hakbang ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus crisis.
Nakatakda namang makipagpulong ngayon si Pangulong Duterte sa mga health expert, kabilang na ang mga dating Kalihim ng Department of Health, upang kunin ang pananaw ng mga ito sa nasabing usapin.
Bukod dito, patuloy rin ang meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) para ihanda ang kanilang rekomendasyon sa Pangulo.
Matatandaang nagsimula ang lockdown sa Luzon noong Marso 17 bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapigil ang pagkalat ng COVID-19. CHRISTIAN DALE
261 