SANGGOL PROTEKTAHAN SA KAGUTUMAN AT MALNUTRISYON

BINIGYANG-DIIN ni Senador Grace Poe ang pangangailangan ng interbensyon ng gobyerno para sa mga bata sa kanilang unang 1,000 araw upang malaya sila mula sa epekto ng coronavirus o COVID-19.

“While our eyes are firmly focused on defeating the virus, we must not forget the babies and children who should be protected from hunger and malnutrition. In any crisis, the children are among the vulnerable who suffer disproportionately,” ani Poe.

Sa patuloy na pag-aalaga ng kanilang kagalingan, itinulak ni Poe ang mahahalagang tulong sa mga pamilya na may mga buntis na ina at mga bata na may edad na 0 hanggang 24 na buwan.

Una nang inihain ni Poe ang Republic Act 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act na nagsisigurong sapat ang pagtugon sa malnutrisyon sa mga ina at bagong silang na sanggol sa unang 1,000 araw.

“It takes a village to raise a child. We should work together to give the children the health and nutrition they deserve,” sabi nito.

Sinabi ni Poe na mahalaga na ang mga serbisyong panlipunan sa pagharap sa sakit na coronavirus ay nakatuon sa bata. “Caring for babies in the midst of this crisis is ensuring our own future and hope,” ayon pa kay Poe. NOEL ABUEL

290

Related posts

Leave a Comment