271 BAGONG KASO NG COVID-19

NAKAPAGTALA ng 271 bagong confirmed COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) ngayong araw, April 23, kaya pumalo na sa 6,981 ang total na bilang ng mga nagpositibo sa sakit sa bansa.

Ang bilang naman ng namatay ay nadagdagan ng 16 kaya umakyat ang death toll sa 462.

Sa kabila nito, nananatiling mataas ang numero ng recoveries dahil sa 29 na bagong naitalang gumaling.

May 722 kabuuang bilang na ng COVID-19 recoveries.

Samantala, nakapagtala ng unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prison, ayon sa Bureau of Corrections.

Ito ay matapos matanggap ng pamunuan ng NBP ang kumpirmasyon na nagpositibo ang isang lalaking PDL sa virus.

Na-confine ang PDL noong nakaraang linggo sa RITM. D. ANIN

149

Related posts

Leave a Comment