HOMICIDE SA PULIS NA NAKAPATAY SA EX-ARMY

SINAMPAHAN na ng kasong homicide ang pulis na nakabaril at nakapatay sa dating miyembro ng Philippine Army sa isang checkpoint sa Quezon City.

Nabatid mula kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, naisalang na sa online inquest proceedings si Police Master Sergeant Daniel Florendo.

“We based our findings on the evidence at hand… so ‘yun lang po ang ano kung ano ‘yung evidence na nasa atin, ‘yun lang po ang pinagpasyahan natin para sa inquest proceedings,” ani Montejo.

Sinabi pa ni Montejo na homicide lamang ang maikakaso kay Florendo dahil wala pang batayan na may sabwatan para mapatay si retired Private First Class Winston Ragos.

Magugunitang nagbabantay ng checkpoint sa Maligaya Drive sa Fairview si Florendo kasama ang ilang police trainees ng Philippine National Police-Highway Patrol Group nang dumaan si Ragos na umano´y nanigaw sa mga otoridad.

Pinayuhan ng mga pulis si Ragos na umuwi ngunit tumanggi ito at naghamon. Dahil sa inakalang armado si Ragos, pinaputukan siya ng baril ni Florendo. JG TUMBADO

204

Related posts

Leave a Comment