TINIYAK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na aaprubahan kaagad ng Senado kung kinakailangan ng panibagong supplemental budget upang labanan ang corona virus 2019 (COVID-19) at mabigyan ng kapangyarihan ang Executive Department na gumastos.
Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance na nakahanda ang dalawang kapulungan ng Kongreso, partikular ang Senado, na pagtibayin ang supplemental budget.
“If a supplemental budget is needed I’m sure both houses of Congress will hear and pass that to authorize the President and the Executive branch to spend more or to realign from existing budgetary items,” ayon kay Angara.
Sinabi ni Angara na walang ibang layunin ang supplemental budget kundi tugunan ang magiging panibagong hamon na nakaamba sa virus na hindi natin nalalaman kung ano ang kahihinatnan ng bansa.
“This is to meet the challenges posed by the virus which were unknown when we passed the 2020 budget and we acknowledge that the President may need some flexibility to react to future contingencies,” paliwanag ni Angara.
Aniya, kailangan din na ituon ng pamahalaan ang pamamahagi ng cash assistance nang mas mabilis kumpara sa nangyayari ngayon.
DAGDAG AYUDA
Samantala, ngayong pinalawig muli ang ECQ sa 15 lugar sa bansa kasama na ang National Capital Region (NCR) hanggang Mayo 15, nararapat lamang na dagdagan ang ayuda sa mga manggagawa.
Ito ang iginiit ni Renato Magtubo ng Partido ng Manggagawa lalo na sa mga manggagawa na hindi nabigyan ng tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at hindi rin nakatanggap ng Social Amelioration cash.
“Because ECQ has been extended, it follows that government aid must not only be extended but also expanded to cover all in millions who are left behind by CAMP and SAC due to its non-universal approach and bureaucratic gridlock,” ani Magtubo. ESTONG REYES, BERNARD TAGUINOD
270 