P1.2T KAILANGAN PARA MAKABANGON ANG EKONOMIYA – SOLON

AABOT SA P1 trilyon hanggang P1.2 trilyon ang posibleng kailanganin ng gobyerno para ilaan sa economic stimulus package upang makabangon ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat nang pag-usapan ang ayudang ipagkakaloob ng gobyerno sa mga negosyo lalo na sa mga Micro, Small and Medium Enterprises.

“Ano ang gagawin para tumakbo uli ang ekonomiya dahil alam ko marami ang malulugi. Sa tourism alone marami ang malulugi, sa MSMEs pag di pa pinayagan magbukas ang mga establishment marami ang malulugi kaya ang importante matulungan ang maliliit na negosyo,” paliwanag ni Gatchalian.

Aminado ang senador na sa pagtatapos ng quarantine sa May 15, marami na ang magugutom dahil sa kakapusan ng budget.

“Dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nila para ma-flatten ang curve. Sa tingin ko after May 15 marami talaga tayong mga kababayan ang magugutom maraming bata ang magiging malnourish,” diin ng senador.

“Umiikot ako sa ating mga kababayan at nakita ko ubos na ang kanilang savings, talagang masasaid ang inipon kaya dapat gawin ang lahat nang di na ma-extend pa ang lockdown,” dagdag nito. DANG SAMSON-GARCIA

203

Related posts

Leave a Comment