DILG SA LGUs: PAGDEDEKLARA NG LOCKDOWN KAILANGAN MAY GO SIGNAL NG IATF

IPINAALALA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi basta-basta mailalagay ng Local Government Units (LGUs) ang kanilang lugar sa ilalim ng lockdown nang hindi kinukuha ang pagsang-ayon o go signal ng national government.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na kailangan munang kunin ng mga lokal na opisyal ang pagsang-ayon ng inter-agency task force on COVID-19 bago sila magdeklara ng enhanced community quarantine.

“Hindi po pupuwede na mag-unilateral declaration ang isang local chief executive na ilalagay niya ang isang probinsya sa ECQ. Ito ay kailangang aprubado ng IATF,” ayon kay Sec. Año.

Kamakailan ay pinayagan ng national government ang lokal na opisyal na magdeklara ng lockdown sa kani-kanilang hurisdiksyon basta lamang makipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government.

Ang paliwanag ni Sec. Año, ang unilateral declarations of lockdowns ay maaaring maging dahilan para ang isang lokalidad ay maging ‘ineligible’ na makatanggap ng cash assistance mula sa national government.

Sa kabilang dako, ang mga lugar na mananatiling nasa ilalim ng enhanced community quarantine mula Mayo 1 hanggang 15, kung saan ang ilan sa mga ito ay ‘subject to rechecking’ ay ang Metro Manila, Southern Tagalog (Calabarzon) at Central Luzon regions, Mindoro island, provinces of Pangasinan, Benguet, Catanduanes, at Albay; Antique, Iloilo, Aklan, Capiz, at Cebu sa Visayas; at Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao City sa Mindanao. CHRISTIAN DALE

198

Related posts

Leave a Comment