TINATAYANG aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Juan Luna St., Tondo, Manila ngayong umaga.
Nagsimula ang sunog, bandang 6:15 ng umaga sa ikatlong palapag ng bahay na pag-aari ng isang Rey Bucacao sa 1842 Juan Luna St., sakop ng Brgy. 60 Zone 5, Tondo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, may 30 kabahayan pa ang nadamay sa sunog at wala namang naiulat na nasugatan o namatay.
Tumagal ang sunog ng halos kalahating oras at idineklarang fire out dakong 6:58 ngayong umaga. (RENE CRISOSTOMO)
317 