PINOY EDAD 85 SA CASH GIFT IPINANUKALA SA KONGRESO

pinoy

(NI BERNARD TAGUINOD)

AAMYENDAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Centernarians Act upang mapakinabangan ng mga matatanda ang P100,000 na cash gift na ibinibigay sa mga Filipino kapag umabot ang mga ito sa edad 100.

Kahapon ay sinimulan ng Technical Working Group (TWG) para pag-isahin ang mga panukalang batas na naglalayong ibigay ng maaga sa mga matatanda ang cash gift upang mapakinabangan na nila ito habang sila’y nabubuhay.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10868 o mas kilala sa Centenarians Act of 2016 ay tanging ang mga Filipino na umaabot sa edad 100 ang binibigyan ng P100,000 cash gift bilang pagkilala sa kanila.

Gayunpaman, dahil sa 69.4% ang life expectancy ng mga Filipino, bihira ang ang umaabot sa edad 100 patunay ang lumabas na statistic na 205 lamang sa 100 million Filipino ang umaabot sa edad 100.

Dahil dito, nais ng isa sa mga may-akda sa nasabing panukala na si Baguio City Rep. Mark Go na simulang ibigay ang cash incentives na ito sa mga Filipino kapag umabot na sila sa edad 85.

“Very few people reach the centenarian age and if they reached it, they were not able to enjoy the privilege accorded to them by law due to health deterioratio,” paliwanag ni Go sa kanyang panukala.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 8208 na inakda ni Go, kapag ang isang Filipino ay umabot na sa 85 anyos ay bibigyan ng P25,000 at karagdang P25,000 naman pagdating niya ng 90 anyos.

Karagdagang P25,000 ang matatanggap ng mga Filipino pagdating niya ng edad 95 at kapag umabot ito ng 100 ay ibibigay na ng buo ang P100,000.

160

Related posts

Leave a Comment