NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang sa mga pumasa sa bar examinations.
Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, ngayon ay ‘life-changing moment’ sa lahat ng bar examinees.
“The results are out and congratulations to the bar passers as they — together with their parents, friends, and loved ones who believe and supported them in law school — celebrate this moment of triumph,” ayon kay Sec. Roque.
Sa kabilang dako, para naman sa mga hindi pinalad na makapasa ay ang payo ni Sec. Roque bilang professor of law, ay huwag hayaan na ang nasabing resulta ay maging dahilan para masiraan ang mga ito ng loob.
Mangyaring ipagpatuloy lamang ng mga ito na maniwala sa kanilang passion.
“As our successful examinees enter the legal profession, please keep in mind that they studied law because of their ideal that the legal profession is a “noble profession.” Lawyers pledge to uphold the law at all times and use it to protect people’s rights. I, therefore, strongly urge all to bring life to this ideal,” ang pahayag ni Sec. Roque.
At habang binabati ng Malakanyang ang lahat ng mga incoming lawyer ay umaasa naman ito na matapos ang ‘oaths and signing the rolls’ ng mga incoming lawyer ay ikukonsidera ng mga ito na magkaroon ng career sa gobyerno.
“This would be a great opportunity to give back to the community for earning the privilege to practice law in the country. Our new lawyers’ idealism and integrity are welcome addition in building a strong, healthy and prosperous nation which every Filipino deserves,” aniya pa rin.
Sa ulat, mula sa 7,685 na kumuha ng bar exam noong nakaraang taon, ay 2,103 ang nakapasa.
Inanunsyo ito ni Senior Associate Justice Estela Perlas Bernabe, chairperson ng 2019 Committee on Bar Examinations.
Ang nasabing bilang ng mga pumasa ay 27.36 percent ng kabuuang bilang ng mga kumuha at nakatapos ng pagsusulit.
Nagsagawa ng special en banc session ang mga mahistrado para mapagpasyahan ang passing percentage.
Mula sa 75 percent nagpasya rin ang en banc na ibaba sa 74 percent ang passing rate.
Maaaring makita ang buong resulta sa official website ng Korte Suprema na http://sc.judiciary.gov.ph. CHRISTIAN DALE
234 