BINANGONAN LGU, MAMIMIGAY NG 2K SA MGA PAMILYANG ‘DI BINIGYAN NG DSWD

HINDI mawawalan ng ayuda ang 18,000 pamilya ng Binangonan na hindi nabigyan ng suportang P6,500 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sapagkat nakatakdang bigyan sila ng P2,000 kada isa ng administrasyon ni Mayor Cesar Ynares.

Maliit lang ang P2,000 dahil ang pamahalaang bayan ng Binangonan ay P700 milyon ang badyet para ngayong 2020.

Sa P700 milyon kinuha ang P36 milyong ilalaan sa 18,000 pamilya.

Maliit lang ang P2,000 kumpara sa P6,500 na ibinigay ng DSWD alinsunod sa Social Amelioration Program (SAP) na isinilang ng Republic Act No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One” sa bawat “pinakamahihirap” na mga pamilya sa Rehiyong 4-A, ngunit ang punto ni Mayor Ynares ay wala dapat maiiwang pamilya sa Binangonan.

Batay sa nasabing batas, P6,500 ang matatanggap kada pinakamahihirap na pamilya sa mga lungsod at bayan sa Rehiyong 4-A, kasama ang Rizal kung saan kabilang ang Binangonan, sapagkat P400 kada araw ang minimum na sahod sa nasabing rehiyon. NELSON S. BADILLA

192

Related posts

Leave a Comment