SASAMPA na sa 9,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Base sa pinakahuling update ng Department of Health (DoH) ngayong araw, pumalo na sa 8,928 ang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa.
Nadagdagan ito ng 156 sa nakalipas na 24-oras.
Nakapagtala rin ng 24 namatay kaya may kabuuan na itong 603.
Umakyat naman sa 40 ang nadagdag na recoveries ngayong araw at may kabuuan na itong 1,124.
Kaugnay nito, nasa 3,401,318 na ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.
Ang 2,028,641 (98%) sa mga ito ay nasa mild condition, habang ang 51,358 (2%) ay nasa serious o critical condition.
Nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na bilang ng COVID cases ang Estados Unidos na may 1,131,452.
Naitala naman sa 239,614 ang mga nasawi at umabot na sa 1,081,705 ang gumaling. D. ANIN
216
