85 NAGPOSITIBO SA COVID-19 MASS TESTING SA TONDO

UMABOT sa 85 katao ang nagpositibo sa COVID-19 base sa isinagawang mass testing sa 1,133 residente kasunod ng ipinatutupad na 48-oras na lockdown sa unang distrito ng Tondo, Manila na magtatapos sa Mayo 5.

Patuloy ang pagsasagawa ng mass testing ng Manila Health Department (MHD) upang matukoy ang mga taong kontaminado ng virus sa lungsod.

Kasabay nito, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 176 katao na lumabag sa umiiral na lockdown ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) hanggang alas-5:00 ng madaling araw kanina.

Ayon sa alkalde, ang rapid tests ay isa sa mga pamamaraan ng lokal na pamahalaan ng Maynila para matukoy ang posibleng carrier ng COVID-19 sa District 1 ng Tondo.

“Maganda rin ito na benepisyo kapag nagbuti kayo sa komunidad, naging masinop kayo, naging disiplinado kayo, ang benepisyo ninyo ay you will live normally,” ayon kay Moreno.

“Kapag ikaw ay naging matino at talagang sinusunod niyo yung social distancing, and yung quarantine and other protocols, we will open your barangay. Discipline must be put in the right place,” dagdag ni Moreno.

Binanggit din ng alkalde na naghahanda na sila sa posibleng senaryo sa sandaling alisin sa Mayo 15 ang enhanced community quarantine.

“We, together with JCI, are now building a COVID-19 facility in the community, utilizing public school. We are now building a 40 bed capacity in one of our schools, Araullo High School,” dugtong pa ni Isko.

Sa huling tala ng lungsod, may 573 COVID-19 positive sa Maynila at 102 ay nagmula sa 1st district ng Tondo. RENE CRISOSTOMO

208

Related posts

Leave a Comment