INTERES SA CREDIT CARD LOANS BAWASAN

DAHIL hindi lamang ang poorest of the poor kundi maging ang mga middle class ayapektado ang pinansyal sa COVID-19 pandemic, hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na bawasan ang interest rates na ipinapataw ng credit card companies sa may 10 milyong credit card holders.

Ginawa ni Surigado del Sur Rep. Johnny Pimentel ang nasabing apela sa mga credit card company dahil masyadong mabigat umano ang 3.5% na interest rate na ipinapataw ng mga ito sa mga credit card holder.

“This is not just about pain-sharing. We are actually counting on reduced interest rates to encourage card holders to increase their spending, which is crucial now to create the extra demand for goods and services needed to revive domestic industries and prevent more job losses,” ani Pimentel.

Noong nakaraang taon aniya, limpak-limpak na salapi ang kinita ng mga credit card company sa kanilang mga kliyente dahil umaabot umano sa P1.2 Trillion ang binili ng 10 milyong credit card holders.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naapektuhan aniya ang mga credit card holder sa COVID-19 pandemic kaya nararapat lamang bawasan ng mga kumpanyang ito ang kanilang interest rate.

“Frankly, we find it somewhat excessive that card issuers up to now continue to charge borrowers monthly financing rates ranging from 3.0 to 3.5 percent,” ayon pa sa kongresista, kaya dapat tulungan ng mga kumpanyang ito ang kanilang mga kliyente.

Sa ngayon ay sinuspinde ng credit card companies ang paniningil sa utang ng card holders dahil sa pandemya subalit tiyak na sisingilin pa rin ang mga ito.

“Lenders should lower their interest rates, especially since regulators have driven down policy rates by almost one-third,” dagdag pa ng mambabatas. BERNARD TAGUINOD

206

Related posts

Leave a Comment