AWAY-NEGOSYO, MOTIBO SA PAMAMARIL SA QC

POSIBLENG away sa negosyo ang motibo sa pamamaril sa Quezon City na ikinasawi ng dalawa katao.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño, maaaring may nakaalitang katunggali sa negosyo ang biktimang si Perry Mariano.

Maliban sa pagiging billiards figure, may-ari rin umano ito ng ilang bar at may kaugnayan sa Small Town Lottery operations.

Dalawang persons of interest ang kasalukuyang tinututukan ng pulisya, ngunit hindi pa tukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng mga CCTV footage.

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga awtoridad upang maresolba ang krimen.

(TOTO NABAJA)

81

Related posts

Leave a Comment