11 POLICE OFFICERS SINIBAK SA KASO NG MISSING SABUNGEROS

IPINAG-UTOS ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang dismissal ng 11 tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (RDEU-NCRPO) kaugnay sa mga kaso ng nawawalang sabungero.

Ayon sa NAPOLCOM, napatunayan ang administrative liability ng mga akusado sa dalawang bilang ng grave misconduct at dalawang bilang ng conduct unbecoming of a police officer kaugnay ng mga kasong kidnapping.

Kabilang sa pinatawan ng parusa ang mga sumusunod: Police Lieutenant Colonel Ryan Jay E. Orapa, Police Major Mark Phillip S. Almedilla, Police Senior Master Sergeant Mark Anthony A. Manrique, Police Staff Sergeant Edmon H. Muñoz, Police Staff Sergeant Robert Allan E. Raz Jr., Police Staff Sergeant Denar S. Roda, Police Corporal Alric M. Natividad, Police Corporal Reynaldo G. Seno Jr., Police Corporal Ronald John V. Lanaria, Patrolman Rufino Miguel D. Panghulan, at Patrolman Develyn M. Tapalla.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo nina Milagros Estacio at Elizabeth Sotto noong Setyembre 3, 2025, kaugnay sa umano’y pagdukot sa kanilang mga anak sa magkahiwalay na anti-narcotics operations noong 2021.

Batay sa records ng NAPOLCOM, dinukot umano si Dane Mark M. Carlos noong Pebrero 17, 2021 sa Maynila, at si Charles Dean Sotto noong Marso 24, 2021 sa Las Piñas City.

Ayon sa NAPOLCOM: “Dahil sa bigat ng mga paglabag at sa dami ng mga administratibong kasalanan, ipinataw ng Komisyon ang pinakamataas na parusa—ang dismissal.”

Dagdag pa nito: “Ang mga ginawa ng mga respondent, habang nasa aktibong serbisyo at kumikilos sa ilalim ng kapangyarihan ng awtoridad, ay lubos na dumudungis sa Philippine National Police at nagpapakita ng tiwaling asal at kakulangan sa moral na katangian na inaasahan sa serbisyo publiko.”

(JESSE RUIZ)

74

Related posts

Leave a Comment