Dinagsa ng mga jobseeker ang SM Southmall para sa Labor Day Job Fair na isinagawa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan ilang aplikante ang agad na natanggap at nakakuha ng job offers on the spot.
Bahagi ito ng nationwide rollout sa 15 SM locations, na layuning mas mapalapit ang job opportunities sa mas maraming Pilipino at gawing mas accessible ang employment matching sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakatulong din ang presensya ng iba’t ibang government agencies on-site para mas mapabilis at mas mapadali ang proseso ng aplikasyon.
Kasabay ng job fair, naghatid din ang SM ng upskilling programs katuwang ang TESDA at Department of Information and Communications Technology (DICT), na nagbigay ng training sa digital, technical at livelihood skills para mas maihanda ang jobseekers sa mas competitive na workforce.
#SMJobFair #SMChangemakers #AllForYou
89 

