PROTESTA KONTRA FOSSIL FUEL

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo sa harap ng Embassy of Japan in the Philippines noong Abril 30.

Kinondena ng mga raliyista ang umano’y patuloy na suporta ng Japan sa fossil fuel initiatives at pagpapalawak ng presensyang militar sa Asia-Pacific.

Binatikos din nila ang mga programang “POWERR Asia” at “AZEC,” na ayon sa kanila ay nagpapalalim sa pagdepende sa fossil fuels at pumapabor sa malalaking korporasyon.

Nanawagan ang mga grupo para sa makatarungang transisyon tungo sa community-led renewable energy at pagtigil sa militarisasyon sa rehiyon.

(EDD CASTRO)

84

Related posts

Leave a Comment