PAYAPANG LABOR DAY PROTEST SA MAYNILA

ITINURING ng Philippine National Police na generally peaceful ang mga kilos-protesta kaugnay ng Labor Day sa Maynila.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director, Police Major General Anthony Aberin, walang naitalang untoward incident sa mga aktibidad ng iba’t ibang grupo.

Libo-libong manggagawa ang nagtipon sa España Boulevard at Welcome Rotonda, na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang protesta, kasama ang iba pang labor groups at transport organizations.

Kabilang sa kanilang panawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law, rollback sa presyo ng langis, at pagtataas ng minimum wage sa ₱1,200.

Nanawagan din ang mga demonstrador ng pagtigil sa digmaan, pagbaba ng presyo ng bilihin, at mas matibay na proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa.

(JESSE RUIZ)

88

Related posts

Leave a Comment