ITINUTURING ng Department of Health na ‘record high’ ang bagong naitalang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Sa inilabas na case bulletin ng kagawaran, may 101 reported recoveries ngayong araw. Kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit ay pumalo na sa 1,315.
Nalampasan nito ang record ng reported recoveries kahapon na 90.
Ngunit sa kabila nito, may 262 bagong bilang ng mga tinamaan ng sakit. Dahil dito, umakyat ang total ng confirmed cases sa 9,485.
Nananatiling may pinakamaraming kaso mula sa National Capital Region na sinundan ng Central Visayas. D. ANIN
199
