CAVITE – Tinatayang mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska at 11 katao ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa kabila ng ipinaiiral na calibrated community lockdown sa Imus City sa lalawigang ito.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong mga suspek na sina Rolando Herrera, 50; Robert Dennis Gamat, 44; Eduardo Herrera, 57; Ediel Baltazar Jr., 38; Robert Buhat, 30; Marvin Omer Tan, 37; Kevin Vergel, 30; Joseph Wilson Llarena, 46; Andres Lumuwas, 58; Nelson Cabisares, 38; Leopoldo Alvarez, 44, pawang mga residente ng Imus City.
Sa ulat ni P/SSgt. Mark Joseph Jader ng Imus City Police Station, dakong alas-6:30 ng gabi noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus CPS at PDEA 4A sa Kalyehon, Brgy. Malagasang 2-A ng naturang Lungsod kung saan target sina Hererra at Gamat.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip kina Herrera at Gamat ngunit naaktuhan ang 9 pang katao habang nakapila kay Herrera para sa iniiskor nilang shabu.
Sa kabuuan, 15 sachet ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek na umaabot sa 15 gramo na tinatayang P102,000 ang street value. (SIGFRED ADSUARA)
180 