SARILING ULO PINASABOG NG PRESO 

CAMARINES Sur – Sabog ang utak ng isang preso makaraang paputukan ang kanyang sentido ng baril na kinuha niya sa isang jail guard, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Melchor Salire, 27-anyos, may kasong rape, nakakulong sa Millennium Tower Building, Provincial Jail and Penal Farm sa Brgy. Tinangis sa bayan ng Pili sa Camarines Sur.

Batay sa report ng Camarines Sur Police Provincial Office, dakong alas-5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng naturang piitan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, pinatong umano sa lamesa ng jail guard na hindi pa pinangalanan, ang kanyang bag na may lamang baril saka umalis saglit.

Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril hanggang sa nakita na lamang nilang nakabulagta ang biktimang duguan at may tama ng bala sa ulo.

Nabatid, bago ang insidente nasa kusina umano ang biktima at nagluluto. ANNIE PINEDA

286

Related posts

Leave a Comment