CHINESE WOMAN NA NANAKIT, NANDURA IPADE-DEPORT

INIREKOMENDA ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation laban sa babaeng Chinese national na nanakit ng siklista at nandura sa isang traffic enforcer sa lungsod ng Makati.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI National Operations Center spokesperson at chief Melvin Mabulac na kanilang napag-alaman na overstaying na sa bansa ang Chinese national na kinilalang si Dong Li.

“Basically, dalawa ang tinitingnan natin: Siya ay overstaying. At the same time, ‘yung undesirability. Klarong-klaro po sa social media naging viral pa nga ‘yan.. ang disrespect to authority,” ani Mabulac.

Matatandaang kumalat sa social media ang video kung saan makikita si Dong Li na hinahampas ng payong ang isang siklista sa Makati City. Dinuraan din nito ang isang sekyu sa kainan at nanlaban sa traffic enforcer.

Ipinagharap ng reklamong assault to persons in authority, physical injuries and disobedience to authorities ng Makati PNP noong Huwebes ang dayuhan.

Humingi na rin ng tawad si Dong sa pangyayari at nangakong susunod sa mga batas ng bansa. (DAVE MEDINA)

146

Related posts

Leave a Comment