TINAWAG na laos at terorista ng Malakanyang si CPP founding Chairman Jose Maria Sison nang sabihin nito na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang chief political representative ng oligarchy sa Pilipinas.
Resbak ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Joma, no comment ang Palasyo sa mga salita ng terorista.
Ang mensahe pa ni Sec. Roque sa lider ng Communist Party of the Philippines, “laos na siya kaya’ t hindi na dapat pang patulan.”
Mas maiging manahimik na lang at dedmahin ang anomang pahayag mula sa isang terorista, aniya pa.
Kamakailan ay binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati na kanyang nabuwag ang ilang oligarch sa bansa nang hindi nagdedeklara ng martial law dahilan upang makahanap na naman ng butas si Joma para pulaan ang Pangulo na dinedma naman ng Malakanyang.
Sa ulat, sinabi ni Joma Sison na naniniwala siya na mali si Pangulong Duterte sa pagsasabing nawakasan nito ang oligarkiya sa bansa dahil isa ang punong ehekutibo sa mga itinuturing na Oligarchs.
Sinabi pa ni Sison na mismong ang Pangulo ang chief political representative ng oligarchy sa Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)
196 